Maraming tagalog dito na nag blog… Hindi ako masyado makatagalog dahil simula naman ito ng down fall ng englesh ko. Hindi ako matalino at ordinaryong mamamayan lamang po ako… Kaya po Dopey kasi medyo may pagka lango ako. Noong ako ay nasa Pilipinas pa, hinding hindi mo ako ma pag iingles dahil scared ako sa kanya. Kaya pag daong ko dito sa America laki nalang pasasalamat ko na lahat ng kasama ko ay mga Filipino. Mula sa tindahan sa bisita at sa mall. Para talagang nasa Pilipinas ako nuong ako ay nasa LA. Wala nga lang silang “Lugawan ni Onoy” (sa mga taga malabon!!!)
Home sick na home sick ako nuong unang dating ko dito… Palagi ko napapaniginipan ang Lugaw ni onoy na may side na utak ng baboy…. hay… Pag gising ko naiiyak ako kasi namimiss ko ung nanay at tatay ko, pati ang malditang kong kapatid (bunsoy) at feeling kagandang lalaki ng Mongoloid kong kapatid. Mga bata pa lang sila nuon. “reminiscing” …





